Monday, July 26, 2010

Philippine Flag Part 2

Photobucket

Ang Sagisag: Bandila

Isa ang bandila ng Republika ng Pilipinas sa mga sagisag ng bansa at maraming simbolismo sa watawat ay hindi naman sang-ayon sa kasaysayan na itinuturo sa mga nasa Elementarya at Hayskul.

Ayon sa 1898 Document na inilabas ng National Historical Institute nuong ika-100 Taon ng Kalayaan na nilagdaan din ng pangulo nuon na si Joseph Ejercito Estrada. Sang ayon sa dokumento, ang tatlong bituin at sumisimbolo sa 3 pulo na unang nagsipag-aklasan laban sa mga Espanyol, ang pulo ng Luzon, Mindanao, at Panay. Ito ay taliwas sa nalalaman ng mga nakararami na ang mga bituin ay sumisimbolo sa 3 pangunahing pulo ng bansa.

Ang 8 sinag na nasa araw ay sumisimbolo umano sa unang 8 lalawigan na umaklas labas sa mga mananakop na Kastila. Ngunit batay sa nabanggit na dokumento, ang 8 sinag ay kumakatawan sa mga lalawigan ng Maynila, Bulakan, Nueva Ecija, Laguna, Pampangga, Batangas, Tarlac, at Kavite ay ang mga unang lalawigan na nasa pailalim ng Batas Militar nuong panahon ng Espanyol.

Ayon sa dokumento, ang bandila ng Pilipinas ay ibinase sa bansang Cuba na sa mga panahong iyon ay nasapailalim din ng Espanya at nakalaya.

Maaaring isa sa mga malalaking pagbubunyag ng dokumento, hindi si General Emilio Aguinaldo ang nagwagayway ng watawat sa tahanan ni Aguinaldo sa Kavite. Sang ayon sa dokumento na naisulat sa salitang Kastila at isinalin lamang sa salitang Ingles at Filipino, ang nagwagayway ng bandila ay si Don Ambrosio Rianzares Bautista, ang Auditor de Guerra.

Anu man ang katotohanan na bumabalot sa ating sagisag, isa lamang ang mahalaga. And Bandila ang sumisimbulo sa ating kasarinlan at sa ating pagkakaisa.

*From PinoyTumblr

No comments:

Post a Comment